Advertisers

Advertisers

Nahuli sa akto!: Mister at kabit pinakulong ni misis

0 263

Advertisers

KULONG ang sinasabing kulasisi at isang mister na “sumakabilang bahay” nang isumbong ng orig na misis sa pulisya sa Obando, Bulacan nitong Sabado.
Ang magkalaguyo ay itinago sa pangalang “Derek” at “Andrea” habang ang nagreklamong orig na misis ay si alyas Angel.
Sa report ng Obando Police, pumunta ang orig na misis sa kanilang istasyon para ipagharap ng reklamo ang kanyang mister na may kinasakamang ibang babae sa Barangay Lawa.
Nang maberipika ang reklamo ni misis, agad lumusob ang mga pulis at makita ang dalawa sa bahay ng magulang ng No. 2 kaya sila naaresto.
Nahaharap sa kasong concubinage ang magkabit na ngayo’y humihimas ng rehas na bakal sa naturang istasyon.(James de Jesus)