Advertisers
NAUTAKAN ng isang akusado ng panggagahasa ang mga awtoridad para makatakas sa pamamagitan ng paggamit sa comfort room sa Pasacao, Camarines Sur.
Kinilala ang bilangguang nakatakas na si Rizalino Candia ng Barangay Caranan, Pasacao.
Ayon sa ulat, 3:00 ng hapon nitong Sabado, nakigamit ng ‘cr’ ang akusado. Nang nasa loob na ng cr, umakyat ito sa may bubong at tumalon at tumakbo sa likuran ng DSWD building at naglaho.
Nananawagan ngayon ang Pasacao MPS sa sinuman na makakita sa akusado na agad na makipag-ugnayan sa kanila o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sa naturang lugar.