Advertisers
NADAKIP ng mga tauhan ng Army 4th Infantry Division ang dalawang babaeng opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Malaybalay City, Linggo ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Lorna Micabalo alias Ating, ang finance officer ng SRC4; at Jean Montemayor alias Inka, ang finance officer ng Guerrila Front 68.
Sinabi ni Capt. Linley Marl Dajao, tagapagsalita ng 4th ID, na si Micabalo ang misis ni Dionesio Micabalo, ang commanding officer ng NCMRC na may patong sa ulo na P5 mil-yon.
Isinilbi sa dalawa ang warrants of arrest para sa mga kasong kidnapping, serious illegal detention, rebellion, murder at illegal possession of explosives.
Sa report, 11:00 ng gabi nang maaresto ang mga komunista sa Barangay Kalunsungay, Malaybalay City. Nakumpiska sa kanila ang isang improvised explosive device, mga subersibong dokumento at medical paraphernalias