Advertisers

Advertisers

3 kidnaper ng Pogo worker arestado

0 218

Advertisers

ARESTADO ang 3 katao nang dukutin ang isang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon sa pulisya, ang isang Vietnamese-Chinese na POGO worker na kinilalang si Vong Cam Lan ay na-rescue ng Philippine Nationa Police -Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Angeles City nitong Sabado ng hapon.
Naaresto ang mga kidnaper na kinilalang sina Rouhan Li, Qiang Zhang at Jing Li.
Nabatid na itinago ng mga suspek ang biktima sa loob ng isang residential unit sa Barangay Pampang.
Tumanggi ang mga suspek na ibigay ang kanilang mga pangalan at diumano’y kinuha ng kanilang mga employer ang kanilang pasaporte.
Sa ngayon, dinala na ang mga suspek sa Kampo Krame para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.
Samantala, hinihimok ni PNP Chief, General Debold Sinas, ang mga POGO na agad i-report sa PNP ang mga kaso ng kidnapping sa kanilang mga tauhan.
Matatandaang ilang beses nang nakapagtala ng kaso ng kidnapping ang mga otoridad na may kinalaman sa POGO, kabilang na ang kaso sa Paranaque noong July, sa Las Piñas noong Agosto, at sa Pampanga noong Pebrero. (Gaynor Bonilla/Mark Obleada)