Advertisers

Advertisers

House Bills kontra loan sharks ipinanukala ni Rep. Roman

0 284

Advertisers

ORANI, Bataan – Naghain ng dalawang panukalang batas si Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman na magtatakda ng mas mababang interest rates sa pagpapautang at iba pang aspeto sa microfinance bilang tulong sa mga mamamayang labis na naapektuhan ng pandemya at kahirapan.
Ayon kay Congresswoman Roman, ito ay ang House Bill 7967 o ang Usury Law of 2020 na magrerebisa sa ilang sections ng umiiral na Usury Law (Republic Act 2655). Magtatakda aniya ito ng katanggap tanggap na interest rates sa mga utang upang maiwasan aniya ang labis na paniningil ng mga nagpapautang.
“There is nothing wrong with lending money to somebody. Masama ito kapag sinasamantala ng mga nagpapautang ang sitwasyon ng mga nangungutang upang maningil nang labis na interes para sa mga pautang. Naghihirap na nga ang mga kababayan natin ilulubog pa sa patung-patong na interes,” pahayag ni Rep. Roman.
Ikalawa ang House Bill 7968 o ang Barangay Microfinance Act of 2020 na magtatatag ng mga lending cooperatives sa barangay level. Dagdag pa ni Congw. Roman, ito ay upang magkaroon ng mga alternatibong mapaghihiraman ng pera ang mga mamamayan na mas accessible sa kanila at hindi na aniya maniningil ng labis na tubo o interest rates lalo na sa panhon aniya ng matinding pangangailangan.
“Bago pa man ang pandemya ay marami na sa ating mga kababayan ang biktima ng mga usurero o mga nagpapautang ng may malaking interest. Ngayong panahon ng pandemya, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan kaya naman napipilitan silang lumapit sa mga usurero upang mangutang para matugunan ang kanilang mga pangangailangan,” dagdag pa ni Congresswoman Roman.(Diane Maribil Matilla)