Advertisers
Advertisers
Advertisers
NASAWI ang isang opisyal ng Southern Police District (SPD) habang su-gatan ang asawa at anak nito nang tambangan ng mga sakay ng isang SUV sa Imus City, Cavite nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Police Captain Ariel Ilagan, 48, kasalukuyang nakatalaga sa SPD; habang ginagamot sa Our Lady of Pilar Hospital ang asawa nito na si Mary Grace, 48, empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA); at anak na si Audrey Gales, 20, college students, pawang residente ng Lakersfiels Subd. sa Brgy. Toclong, Kawit, Cavite.
Inaalam pa ang pagkaka-kilanlan sa mga salarin na sakay ng isang kulay pula na Toyota Inova na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.
Sa ulat, minamaneho ni Captain Ilagan ang kanyang Toyota Fortuner na may plakang AA03161 kasama ang kanyang asawa’t anak at papasok sila sa trabaho. Pagsapit sa panulukan ng Lakersfield Subd. at Alapan Road sa Brgy. Alapan 1-B nang pagbabarilin ang mga ito gamit ang M16 rifle bandang 6:00 ng umaga.
Ayon sa report, hindi nakarehistro ang sasakyang ginamit ng mga nanambang base sa beripikasyon ng mga otoridad.
Inaalam pa ang motibo ng pananambang. (Irine Gascon)
Prev Post