Advertisers
HIMAS rehas ngayon ang 81-anyos na lolo nang maaresto ng mga elemento ng Matalam Municipal Police Station sa kasong panggagahasa at nagtago sa Barangay Tanglaw sa bayan ng Braulio E. Dujali, Davao Del Norte.
Kinilala ang akusado na si Gonsalo Alipio Carino, may asawa at residente ng Barangay Kilada, Matalam.
Inaresto si Carino sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Alandrex Betoya ng Regional Trial Court Branch 16 sa Kabacan na may petsang Marso 9, 2015.
Kinasuhan si Carino ng Rape ng mismong kapitbahay nito.
Kasalukuyang nakapiit ang akusado sa custodial facility sa Matalam PNP.