Advertisers
PINATAY ang isang abogado sa mismong harapan ng kanyang tanggapan sa Cebu City nitong Lunes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Atty. Joey Luis Wee, 51, residente ng nasabing lungsod.
Sa report ng Cebu City Police Office (CCPO), 1:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa labas ng opisina ng biktima sa Alchi Business Center, J. Panis St., Barangay Kasambagan, Cebu City.
Sa ulat, paakyat na sa kanyang tanggapan sa ikatlong palapag ng naturang gusali ang abogado nang habulin ng dalawang lalaki at pinagbabaril.
Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga salarin.
Nabatid na karamihan sa mga kasong hawak ng biktima ay ilang tiwaling kawani at opisyal sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Wala itong hawak na kaso na may kinalaman sa droga.
Nagpapatuloy paang imbestigasyon sa krimen.
Kinondena naman ng Integrated Bar of Philippines (IBP) Cebu City Chapter’s ang pagpaslang sa kanilang miembro.