Advertisers

Advertisers

Bus nilamon ng apoy nang tamaan ng kable ng kuryente

0 183

Advertisers

NILAMON ng apoy ang isang bus matapos na tumama ang hulihang bahagi ng bubong nito sa service drop wire ng Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO) nitong Martes ng umaga.
Ayon kay Police Corporal Michael Olivares, imbestigador ng Lagonoy Municipal Police Station, bigla nalang nagliyab ang apoy sa Florencia Bus sa Zone 4, Barangay San Francisco, bago mag-7:00 ng umaga.
Ligtas naman ang bus driver na si Ronelio Rubia na nag-iisang sakay ng bus.
Papunta palang ang bus sa Lagonoy Terminal para magsakay ng pasahero.
Ayon sa pulisya, napinsala ng nagdaang bagyong Rolly ang linya ng kuryente sa lugar na agad namang naaksiyunan ng CASURECO.
Posible umanong mababa iyong pagkakalagay ng mga kable ng kuryente kaya natamaan ito ng bus.