Advertisers
Barangay Colo – Ibinalita ni Chairman Ariel Cruz ng Barangay Colo, Dinalupihan Bataan ang maagang Pamaskong Handog ng Dept. of Trade and Industry (DTI) sa panahon ng krisis na dulot ng pandemic na nararanasan ngayon ng buong mundo ang pagsasagawa ng ‘Diskuwento caravan’.
Ayon kay Chairman Cruz, maaaring makabili ng mga pangunahing pangangailangan partikular na ang mga may-ari ng mga sari-sari store at ordinaryong mamamayan at makakakuha ng 10% discount sa bawat items.
Kabilang sa mga nag-confirm ang Nutriasia, Acs, Mega Sardines, Minola, Pandaya, KServico, Puregold, Vercons, Elizabeth bodega at ilang SMES.
Gaganapin ang nasabing ‘Diskuwento caravan’ sa COLOseum sa darating na Nov. 27, Biyernes sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 9:00 umaga.
Kaya inaanyahahan ni Cruz ang lahat na makibahagi sa naturang caravan para makakuha ng malaking diskuwento.
Ipinaalala rin ni Chairman Cruz na laging sundin ang health protocol tulad ng social distancing, pagsusuot ng facemask, at faceshield.
“Ang mga pagsunod sa simpleng patakaran ang nagpapakita na disiplinado ang isang mamamayan,” wika ni Cruz.(Diane Maribil Matilla)