Advertisers

Advertisers

Duterte walang pinagtatakpan na kongresista sa korapsyon sa DPWH – Palasyo

0 236

Advertisers

HINDI makikialam ang Malakanyang sa mga kongresistang sangkot umano sa korapsyon sa mga pinasok nilang kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ang ginawang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang public address nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 23 matapos tumangging isapubliko ang pangalan ng mga kongresistang isinumite ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ipinauubaya na nito sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Matatandaan na nagsumite si Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng mga listahan ng korap na mga kongresista at hindi isinapubliko at ipauubaya na lang sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, katwiran ng pangulo na hiwalay na sangay ng gobyerno ang Kongreso at hindi sila nasa ilalim ng Ehekutibo tulad ng Bureau of Customs (BOC), PhilHealth at Bureau of Internal Revenue (BIR) at iba pang ahensya.
Sinabi ni Roque na mahirap patunayan at kailangan may sapat na ebidensya kung may nangyaring sabwatan ng kongresista at kontratista gayundin ng mga project Engineers para sa mga “kickback” nila.
Dahil dito inatasan ng Pangulo si Justice Secretary Menardo Guevarra na magsumite ng mga listahan ng mga sangkot na kongresista sa Ombudsman na siyang mag-iimbestiga. (Vanz Fernandez)