Advertisers

Advertisers

Higit P73-B pondo ng gobyerno sa COVID-19 vaccine ng 60-M Pinoy

0 218

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Finance (DOF) na higit P73.2 billion na pondo ang inilatag ng gobyerno para sa COVID-19 vaccine ng 60-milyong Pilipino.
Ayon kay DOF Secretary Carlos Dominguez, sa estimate kasi nila ay aabot sa $25 o P1,200 ang halaga ng bakuna na sapat para sa isang tao.
Ang P40 billion na pondo ay manggagaling sa multilateral agencies gaya ng World Bank, P20 billion mula sa domestic sources of financing gaya ng LandBank at P13.2 billion naman mula sa bilateral agreements mula mga bansang gumawa ng bakuna.
Kinumpirma naman ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na ang pagpapabakuna sa 60 million Pinoy ay magdadala sa bansa ng herd community.
Ang herd community aniya ay mula sa 60-70 percent ng population ng bansa na ayon sa World Health Organization na kapag naabot ang nasabing bilang ay malaki ang posibilidad na mawawala na ang nasabing virus. (Josephine Patricio)