Advertisers

Advertisers

Patrol ng pulis nadisgrasya: 1 pulis, 2 preso sugatan

0 192

Advertisers

SUGATAN ang isang pulis at dalawang preso nang maaksidente ang sinasakyang patrol car sa Barangay Luca, Ajuy, Iloilo
Kinilala ang mga sugatang preso na sina Rey Aguillar at Dexter Baldia; at ang pulis na si Patrolman Ermirito Aquiño.
Ayon kay Police Lt. Danilo Noca, hepe ng Ajuy Municipal Police Station, nagmula sa Barotac Viejo Regional Trial Court ang patrol car ng Balasan Municipal Police Station at papauwi na sa bayan ng Balasan, Iloilo nang mangyari ang aksidente.
Ayon kay Noca, sumabog ang gulong ng patrol car dahilan upang matumba ito sa daan.