Advertisers
NASAWI ang isang pulis nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na traysikel matapos mag-overtake sa kanyang kasamang pulis sa Kalibo.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Arnie Palabasan, 25, ng #24 Acacia St., Olive Plains, Numancia, Aklan; habang kritikal sa ospital ang tricycle driver na si Dave Rico, 23, ng Ureta Road, Andagaw, Kalibo.
Sa report, naganap ang insidente 6:30 ng hapon sa kalsadang sakop ng Caano, Kalibo.
Sa imbestigasyon, minamaneho ni Palabasan ang kanyang motorsiklo galing Poblacion, Kalibo papuntang New Washington nang mag-overtake ito sa kasama na naka-motor din na si Patrolman Jeremy Villanueva.
Sa bilis ng pangyayari, huli na nang mapansin ni Palabasan ang kasalubong na traysikel na minamaneho ni Rico at hindi na nagawa pang naiwasan na nagresulta ng kanilang salpukan.