Advertisers
NAG-ABISO ang Department of Transportation (DOTr) na hindi kakastiguhin ang mga sasakyan na hindi pa rin gumagamit ng radio frequency identification (RFID) tags hanggang Enero 11.
Ayon sa DOTr, mananatiling bukas 24/7 ang RFID installation sa mga toll lanes at booths hanggang Enero 11 kahit pa ipapatupad na ng lubos ang cashless sytem sa Disyembre.
Pero matapos ang Enero 11, iginiit ng kagawaran na hindi na lahat ng lanes sa toll gate ay iko-convert bilang stickering lane.
Magtatalaga na lamang sila ng isa o dalawang stickering lane, o kaya naman ay isang installation tent bago pa pumasok sa toll gate kung saan maaring kabitan ng RFID ang mga sasakyan.
Dagdag pa ng DOTr, pagsapit ng Disyembre 1 at wala pa ring RFID ang isang sasakyan, sa toll gate mismo kakabitan ito.
May nakaabang na RFID installation lanes sa mga toll gates, at may mga tauhan ang mga toll operators na tutulong sa pagkabit ng RFID stickers. (Josephine Patricio)