Advertisers

Advertisers

Vintage bomb lumutang sa baha sa Cagayan

0 212

Advertisers

Cagayan – Isang malaking vintage bomb ang lumutang sa tabing ilog sa Linao West, Tuguegarao City, Cagayan matapos humupa ang baha rito.
Sa report ng Police Regional Office 02, ang bomba ay nagtitimbang ng 1,000 pounds o katumbas ng mahigit 400 kilos.
Ang bomba ay nakita ng isang bata at kaagad tumugon ang kapulisan.
Ayon kay PRO2 spokesman, Lt. Col. Andrei Camhol Abella, agad pinuntahan ng mga tauhan ng PNP Explosives Ordinance Division at K9 ang bomba at dinala sa Cagayan Police Provincial Office.
Hinala ng mga otoridad, mula sa pagkakabaon ang bomba dahil sa naranasang malawakang pagbaha sa naturang barangay.
Itinuturing ng mga eksperto na all-purpose bomb ito na karaniwang inihuhulog sa mga eroplano noong ikalawang digmaang pandaigidig. – REY VELASCO