Advertisers
NADISKUBRE ang isang plantation site ng marijuana sa Sitio Basi sa bayan ng Kibungan, Benguet.
Sa ulat ng Kibungan Municipal Police nitong Martes, nagkasa ng operasyon ang pulisya at PDEA nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa 500 square meters na marijuana plantation sa sitio.
Tumambad sa kanila ang nasa 5,000 puno na marijuana na nagkakahalaga ng P500,000. Agad binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga puno.
Nitong Sabado lang ay nadiskubre rin ang dalawang marijuana farms sa Sitio Lepsik at Sitio Mabilig, sa Brgy. Kayapa sa naturang bayan.
Binunot at sinunog din ng mga operatiba ang nasa 1,160 puno na marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P232,000.
Inaalam pa kung sino ang mga nasa likod ng marijuana plantations sa lugar.