Advertisers
INIREREKLAMO ng ilang residente ng Loboc, Bohol ang natanggap nilang ayudang bigas na bukod sa mabaho ay nangingitim na raw at may bukbok pa.
Pawang tourism workers na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 ang nakatanggap ng ayuda.
Ayon kay Bohol Governor Arthur Yap, October 16 pa ibinigay ng provincial government ang mga bigas sa local government units. Kung hindi raw ito naipamigay agad ay hindi nakapagtatakang nasira ang mga ito.
Umalma naman si Loboc Mayor Leon Calipusan sa pahayag ni Gov. Yap at iginiit na nakaimbak sa maayos na lugar ang bigas.
Hiling ni Calipusan, palitan nalang ang bigas.
Ayon naman sa National Food Authority sa Bohol, walang bukbok ang bigas na binili sa kanila ng provincial government.
Iimbestigahan na ng kapitolyo ang insidente.