Advertisers

Advertisers

Mandatory evacuation center, igigiit ni Sen. Go

0 210

Advertisers

TINUTUTUKAN ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang pagsasabatas ng panukalang mag-aatas sa pagtatayo ng mandatory evacuation center sa lahat ng probinsiya, bayan at lungsod sa bansa.

Ipinaliwanag ni Go na base sa kanyang panukala, dapat nang maging mandatory ang pagkakaroon ng evacuation center ang lahat ng Local Government Unit sa bansa para hindi na gamitin ang mga eskuwelahan.

Ayon kay Go, nakagawian nang gamitin ang mga eskuwelahan tuwing may kalamidad kaya naman naaantala ang pag-aaral ng mga bata.



Kaugnay nito, iginiit ni Go na mahalaga sa mga itatayong evacuation center na ligtas, malinis at may mga maayos na higaan para maging komportable ang mga evacuees.

Dagdag ni Go, mahalagang maging maayos ang mga evacuation center para mapagaan ang sitwasyon at pinagdadaanan ng mga evacuees bago man lang sila bumalik sa kanilang mga tahanan. (Mylene Alfonso)