Advertisers
Cagayan – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang binata matapos bumangga sa nakawalang kalabaw ang kanyang motorsiklo sa Barangay Centro West, Sta. Teresita dito sa lalawigan.
Ang nasawing biktima ay si Jerome Ballesteros, 19-anyos, residente ng Brgy. Masi.
Ayon kay Police Capt. Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP Sta. Teresita, patungo sa silangang direksyon ang biktima nang mabangga nito ang nakawalang kalabaw sa daan, dahilan para ito ay tumilapon sakay ng kanyang motorsiklo.
Nabatid na walang suot na helmet ang biktima kung kaya’t nagtamo ito ng matinding sugat sa ulo na kanyang ikinasawi.
Sasampahan ang caretaker ng kalabaw na si Jayson Valdez, 31, ng Brgy. Centro West., ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property dahil sa kapabayaan sa kanyang alaga.
(Rey Velasco)