Advertisers

Advertisers

4 brgy. sa Maguindanao sinalanta ng buhawi, inulan pa ng yelo

0 222

Advertisers

SINIRA ng malakas na hangin at ulan ang mga kabahayan sa apat na barangay sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Municipal Administrator Musib Tan, apat na barangays sa bayan ng Datu Saudi, Ampatuan, Maguindanao ang binayo ng buhawi at umulan pa ng yelo.
Dahil sa lakas ng hangin na tumama sa Barangay Ilian, Dapiawan, Madia at Kitango sa bayan ng DSA, maraming bahay ang nasira at mga puno na nabuwal.
Bago ang paghagupit ng buhawi, umulan at sinundan malakas na hangin.
Ikinagulat din ng mga residente na maliban sa buhawi ay umulan din ng ice.
Namahagi kaagad ng tulong ang LGU-DSA sa pangunguna ni Mayor Edris “Resty” Sindatok sa apat na barangays na hinagupit ng buhawi.