Advertisers

Advertisers

Albularyo galing palengke binaril-patay

0 289

Advertisers

PATAY ang isang albularyo (quack doctor) nang pagbabarilin ng riding in tandem sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Ulysses Manligro Merabueno, 49, may asawa, ng Sitio San Nicolas, Barangay San Vicente, Makilala, North Cotabato.
Ayon kay Makilala chief of police, Major Arnel Melocotones, lulan ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Purok 28, Brgy Poblacion, Makilala nang dikitan ito ng riding in tandem at pinagbabaril ng kalibre .38 revolver.
Sa report, galing sa pamamalengke ang biktima sa Makilala Public Market at pauwi na nang sundan ng mga salarin at pinagbabaril.
Sa follow-up operation ng PNP-Makilala, nahuli ang isa sa mga salarin na nakilalang si Robin Sarol Lonzaga, 55, may asawa, nakatira sa Purok 8, Barangay Sto. Niño, Makilala.
Sa ngayon nakapiit na ang salarin sa costudial facility ng Makilala PNP.