Advertisers
MATAPOS makansela ang maraming events dahil sa COVID-19 pandemic, ang Philippine Cycling Federation ay engrandeng babalik sa 2021.
Sinabi ni Abraham “Bambol” Tolentino, na kasalukuyang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) na sa 2021 ay puwede na uling mag-host ng karera ang Pilipinas.
“Kami sa cycling, i-full blast na namin, definitely,” wika ni Tolentino sa kanilang plano sa kanyang pagdalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes ng umaga.
Ang 10th edition ng LBC Ronda Pilipinas ay natapos nitong Marso, kung saan nasungkit ni George Oconer ang individual title, habang ang Philippine Navy-Standard Insurance ang nagbulsa ng overall crown.
Pero ang Le Tour de Filipinas, na orihinal na nakatakda sa May-1-5 ay kinansela matapos ang 10 taon na karera. Ang category 2.2 race ay dapat gagawin sa Ilocos.
Walang major cycling events na naganap ngayon taon, pero kumpiyansa si Tolentino na babalik sila sa kalsada sa susunod na taon lalo ang cycling ay isa sa unang aktividad na pinayagan ng gobyerno na ipagpatuloy.
“‘Yan ang unang pinayagan eh. Of all the sports, isa ‘yan sa unang pinayagan,” wika ni Tolentino, at tinukoy ang karera sa Europe — kabilang ang Tour de France — have pushed through. “So definitely, next year, active na ‘yang cycling, kasi wala masyadong issue sa cycling.”
“Hindi naman makakahabol ‘yung COVID sa tulin ng bisikleta sa kalsada, ‘di ba?” Dagdag pa niya.
Samantala, umaasa si Tolentino na ang Filipino athlete ay ma qualify para sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
“Tatlo na lang, BMX at saka mountain bike, MTB. Sila na lang ang may pag-asa, ayaw pa i-open kung kailan ‘yung date ng qualifying. Cross fingers, ‘di ba, baka may tsansa, lalo na ang MTB natin,” anya.
Sa September, umaasa si Tolentino na maka-pagpadala ng kahit isang cyclist sa Olympic Games, partikular si Ariana Dormitorio na may tsansa na ma qualify sa mountain bike event.
Ang Filipino cyclist ay nagdeliver ng 11 medals sa 2019 Southeast Asian Games,kabilang ang 3 gintong medalya.