Advertisers

Advertisers

Lolo nagtanim ng 10K mangroves para protektahan ang bahay sa bagyo

0 200

Advertisers

KUNG pagiging plantito lang naman ang pag-uusapan, isa na sa mga “OG” o originals ang 65-anyos na lolo sa Leyte.
Sa loob ng 8 taon, umabot sa 10,000 mangroves ang kanyang naitanim sa isang bahagi ng dagat sa Leyte.
Pinagsikapang itinanim ni “Tatay” Gary Dabasol ang mangroves ng walong taon upang protektahan ang kanyang bahay sakaling may dumating na bagyo.
Dahil sa kanyang pangambang matatamaan ng malalakas na alon ang bahay ay naisipan niyang magtanim ng miyapi, pagatpat at bakawan.
“I’m glad that I was able to inspire people, I hope that they will also follow what I am doing. I also want to contribute to higher marine production by cultivating a spooning area for fish, crabs, and shrimps and other species,” saad ni Dabasol.
Si netizen Dan Niez ang nagbahagi ng kwento ni Dabasol sa social media. Aniya, maraming netizen ang humanga kay Dabasol batay sa kanyang post dahil nakaka-inspire ang kanyang ginawa.
Kaya naman hinikayat ni Niez ang mga kabataan na tularan ang ginawa ni Dabasol na nakakatulong na maprotektahan ang kalikasan at mga marine life.