Advertisers
NAARESTO ng mga elemento ng Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP -AKG) ang isang miyembro ng kidnap for ransom group sa operasyon sa Las Piñas City.
Kinilala ang naaresto na si Elpidio Escubido Edusma alyas Edwi, miyembro ng Lappay KFRG at tinagurian No. 2 most wanted person ng PNP-AKG.
Ayon sa ulat, 3:00 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng AKG Luzon Field Umit sa St Vincent St., St Joseph Subdivision, Pulang Lupa, Las Piñas City
Napag-alaman na isa sa mga nabiktima ng grupo ang negosyanteng si Engr. Ricky C. Accay, na kinidnap noong June 30, 2014.
Sa report, humingi ng P5 million ang mga suspek sa pamilya ng biktima kapalit ng pagpapalaya dito. Pinalaya ang biktima nang magkasundo sa halagang P700,000.00 noong July 2, 2014.
Nasa kustodiya na ng PNP AKG ang suspek habang sumasailalim sa imbestigasyon at paghaharap nito sa korte na nagpalabas ng warrant of arrest.
(Mark Obleada)