Advertisers
KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go na nakatakda na sa susunod na linggo ang pagtalakay ng Senado sa panukalang pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers.
Kaugnay nito, umaasa si Go na magtutuloy-tuloy na ang pagtalakay sa panukala hangggang sa tuluyang maitatag ang DOFW dahil matagal na po itong inaasam ng mga kababayang OFW.
Ayon kay Go, hindi dapat kalimutan na mahigit sa 10-milyon ang mga OFW kaya naman mayroon na dapat sariling departamento ang mga ito para mayroong nakatutok sa kanilang kapakanan nang hindi na kailangang manawagan sa mga estasyon ng radyo at sa social media.
Binigyang-diin ni Go na lalo na ngayong may pandemya, marami ang pinauwing OFW na dapat matutukan ng iisang ahensiya upang maibigay ang sapat na tulong para sa kanila
Matatandaang isa sa mga isinusulong na panukalang batas ni Go ang DOFW upang hindi na nalilito ang mga manggagang Pinoy sa ibang bansa kung kanino sila hihingi ng tulong oras na nagkaproblema sa lugar ng kanilang trabaho. (Mylene Alfonso)