Advertisers

Advertisers

PBA: Semifinals Game 5: Do-or-Die

0 170

Advertisers

Laro Ngayon
AUF Gym
(3:45PM) TNT vs Phoenix
(6:30PM) Ginebra vs Meralco

KINALSUHAN ng TNT Tropang Giga ang pagpasok ng Phoenix Super LPG sa unang pagkakataon sa finals ng PBA Philippine Cup matapos na masilat sa manipis na 102-101.
Bumida sa panalo ng TNT si Bobby Ray Parks na nagtala ng 36 points habang mayroong 21 points si Jayson Castro, 18 points naman ang nagawa ni RR Pogoy at 14 points naman si Simon Enciso.
Hawak ng Phoenix ang kalamangan sa last quarter 81-75 hanggang tuluyang umarangkada si Parks at naitala ang 98-92 na kalamangan ng TNT sa natitirang 1:09.
Dahil sa panalo ay nadala ng TNT sa game 5 ang semifinals kontra Super LPG.
Samantala, ginulat ng ng Meralco Bolts ang Barangay Ginebra 83-80 para madala sa do-or-die game ang best of five semifinals ng PBA Philippine Cup.
Itinuturing na isang bayani sa laro si Reynel Hugnatan ng maipasok nito ang kaniyang tira sa 15.1 seconds at maitala ang 81-80 na kalamangan.
Muntik nang maipanalo ng Ginebra ang laro subalit nabutata ni Raymond Almazan ang layup shot ni Stanley Pringle.
Nagtagumpay ang outlet pass ni Cliff Hodge kay Newsome at naipasok nito ng layup shots.
Ayon kay Bolts coach Norman Black, nakakuha sila ng tamang pagkakataon.
Nagtala ng 16 points, 11 rebounds, anim na steals at limang assists si Newsome.