Advertisers

Advertisers

PULIS NANGIKIL SA DAYUHAN, KULONG!

0 374

Advertisers

INARESTO ng mga elememto ng Philippine National Police – Integrity Monitoring Enforcement Group (PNP – IMEG) ang isang pulis na nangikil sa dayuhan kapalit ng pag-release ng sasakyan na sangkot sa isang aksidente sa entrapment operation sa Taguig City.
Kinilala ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas, ang “kotong cop” na si Chief Master Sergeant Minly Gutierrez ng Taguig Cty Police Station 1 Vehicular Traffic Investigation Section.
Hinuli si Gutierrez sa entrapment operation nang tanggapin ang P20,000 kapalit ng pag-release ng na-impound na sasakyan na sangkot sa isang aksidente.
Humingi ng tulong sa mga otodidad ang isang dayuhan na nasangkot sa aksidente nang sapilitan umano siyang pinagbabayad ng P500,000.00 ng nasabing pulis sa gastusin sa hospital ng kanyang nabangga.
Nang mabayaran ang nasabing halaga ay muling naman siyang hinihingian ng P20,000.00 ng pulis para ayusin ang mga traffic fine at penalties kaugnay ng naganap na aksidente.
Nasa kustodiya na si Gutierrez ng PNP IMEG habang sumasailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng kaukulamg kaso laban dito.(Mark Obleada)