Advertisers
ARESTADO ang isang traffic enforcer ng Makati Public Safety Department sa entrapment operation ng ahensya at ng pulis sa Barangay Bel-Air, Makati City, Lunes ng gabi.
Kinilala ang enforcer na si Roberto Hojas, 46-anyos.
Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nakatanggap ng reklamo ang public safety department sa umano’y pangingikil ng enforcer sa bahagi ng Buendia Avenue.
Nagpanggap ang isang pulis bilang motorista sa lugar kungsaan pinatigil ito ng suspek sa kanto ng Malugay Street dahil sa pagliko roon 7:00 ng gabi.
Ayon sa pulisya, sinabihan ng enforcer ang driver na “di mo ba alam 500 ‘yan?” sabay nagturo sa “no right turn” sign sa kalye.
Humingi umano ang enforcer ng P500 para hindi niya isyuhan ng tiket na babayaran ng P1,000 at kumpiskahin ang lisensya ng driver.
Nagbigay naman sa kaniya ang undercover police ng P500 marked money.
Kasong robbery extortion ang kinahaharap ng enforcer.(Gaynor Bonilla)