Advertisers

Advertisers

Voters registration sa Nov. 30 at Dec. 8 suspendido

0 213

Advertisers

INANUNSYO ng Commission on Elections (Comelec) na suspendido muna ang voter registration sa bansa sa Nobyembre 30 at Disyembre 8.
Sa isang public advisory, sinabi ng Comelec ito ay bilang paggunita sa Bonifacio Day, na isang regular holiday at ginugunita tuwing Nobyembre 30 at Immaculate Concepcion sa Disyembre 8, na isang special non-working holiday.
Ang naturang anunsyo ay base na rin sa Presidential Proclamation No. 845.
Maliban naman sa voter registration ay wala rin mga transaksyon sa publiko na magaganap sa alinmang opisina ng Comelec sa buong bansa, kabilang na ang pag-iisyu ng voter’s certitification.
Pinaalalahanan din ng Comelec ang publiko na ang voter registration ay mula 8:00 A.M. hanggang 3:00 P.M., lamang tuwing weekdays, habang ang araw ng Biyernes ay ang disinfection day, maliban na lamang kung magbigay ang LGU ng ibang schedule para sa disinfection day.
Hinikayat din ng komisyon ang lahat na mahigpit na obserbahan at ugaliin ang minimum public health standards sa loob at labas ng kanilang opisina para makaiwas sa posibleng hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)