Advertisers

Advertisers

2 Cebu cops nahaharap sa ‘dismissal proceedings’

0 234

Advertisers

NAHAHARAP ngayon sa imbestigasyon ang dalawang pulis dahil sa pag-organisa ng iligal na sabong sa Barangay Lataban, Liloan, North Cebu.
Kaugnay nito, dismayado si Brigadier Gen. Albert Ignatius Ferro, director ng Central Visayas PNP, na ang dalawang pulis ay hindi lang nasasangkot sa iligal na aktibidad kundi dahil rin sa pag-organisa ng iligal na sugal sa gitna ng pinaigting na operasyon ng Philippine National Police.
Inorganisa ang sabong, kasunod ng pagdalaw ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas, sa Cebu para sa kanyang thanksgiving activity matapos maitalaga sa kanyang posisyon.
Giit ni Ferro, akala umano ng dalawang police officers ay hindi mahuhuli ang kanilang iligal na aktibidad dahil abala ang kapulisan sa pagbisita ni Sinas.
Ni-relieved na ang mga ito, kinuha ang badges at service firearms, habang nasa ilalim ng imbestigasyon.