Advertisers

Advertisers

2 patay, 5 sugatan sa banggaan ng motorsiklo

0 221

Advertisers

DALAWA ang nasawi at lima ang sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa national road sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang nasawi na sina Joseph Peñana, 25; at Mico Javier, 16, kapwa residente ng Sariaya.
Sa ulat, sakay ng kaniyang motorsiklo si Peñana nang makabanggaan ang kasalubong na motorsiklo ni Javier.
Dead on the spot si Peñana habang nasawi si Javier habang dinadala sa United Candelaria Doctors Hospital.
Pawang angkas ng motorsiklo ang mga nasugatan.