Advertisers
PUMALO na sa 425,918 ang bilang ng kasong naitatala ng Department of Health (DOH) sa Covid-19 sa bansa.
Sa huling tala ng kagawaran, panibagong 1,631 ang nadagdag nitong Biyernes, Nobyembre 28, na kumpirmadong kaso.
Nasa 370 naman ang nadagdag sa mga gumaling habang 46 ang binawian ng buhay .
Sa kabuuan, 387,616 na ang recoveries at 8,255 naman ang pumanaw sa naturang sakit.
Samantala, bahagyang tumaas muli ang mga aktibong kaso na umabot sa 30,047 na ang mild ay asymptomatic na kaso ay nasa 92.6%.
Nanguna naman ang Quezon City sa may naitalang mataas na kaso ng Covid-19 ngayong araw na may 116, sinundan ng Rizal na may 101 kaso.
Ang Davao City ay may 95 at 89 sa Laguna habang lungsod ng Maynila ay muling napasama sa mga syudad na may mataas na kaso na may 65 bagong kaso. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)