Advertisers
TRENDING ngayon sa social media ang pagpapa-‘buffet’ ng isang animal-lover kahit marami na siyang alaga dahil para sa kanya ay suwerte ito sa negosyo sa Bacolod City.
Sa feeds store ni Sheryn Cawit malapit sa Libertad Market ay maraming pusa at minsan aso ang gumagala at umaaligid.
Pero kalaunan, tila naging tahanan narin nila ang establisimyento dahil sa kabutihang loob ni Cawit sa mga palaboy na hayop.
Kaya kadalasan, tila nagpapa-buffet si Cawit sa mga pusang kalye na napapadpad sa kaniyang feeds store.
Kuwento niya, kung minsan ang pinakamahal na cat food pa ang pinipili ng mga ito pero hindi niya ito pinapansin dahil naniniwala siya na dapat binabahagi ang blessings kahit sa mga hayop.
Dahil sa pa-buffet ni Cawit, may 13 pusa na siya na inampon, pero 2 dito ay may kumupkop na rin.
Hinangaan naman ng Bacolod City-based animal welfare group na BACH Project Ph ang ginagawa ni Cawit.