Advertisers
NASA P686,000 halaga ng shabu ang nasabat sa magkakahiwalay operasyon sa Pampanga nitong Huwebes.
Timbog ang 36-anyos na tulak na si Rosel Adula sa Barangay Dau, Mabalacat City nang makuha sa kanya ang 9 sachet ng shabu na tinatayang P544,000 ang street value.
Nahuli rin sa Mabalacat ang isa pang nasa police drug watchlist na si Reynante Bitco. Nabili sa kanya sa buy-bust operation ang shabu na nasa 20 gramo na nasa P136,000 ang street value.
Nakatakas naman ang kasabwat nito na sakay ng kotse.
Sa Angeles City, inaresto ang security guard na si Bryan Martinez ng Brgy. Pulung Maragul na nakuhanan ng 6 sachet ng shabu na nasa P6,800 ang street value.
Kinasuhan ang mga naares-tong suspek.