Advertisers

Advertisers

Vintage bomb nilagare sumabog: ama at anak naputulan ng mga kamay

0 241

Advertisers

Cagayan – Putol ang da-lawang kamay ng 13-anyos batang lalaki habang isang kamay naman ang natanggal sa kanyang ama nang sumabog ang natagpuan nilang vintage bomb sa bahagi ng kabundukan ng Barangay Mission, Sta. Teresita dito sa lalawigan.
Natagpuan ni Roldan Siruno, 48, ang bomba tatlong araw na ang nakalilipas na may habang 12 inches at bigat na isang kilo na umano’y bala ng 60MM mortar.
Hindi ini-report ni Siruno sa mga awtoridad ang natagpuang bomba, sa halip ay kanya itong iniuwi sa pag-aakalang mapapakinabangan.
Napagdesisyunan si Siruno na lagariin ang bomba nang bigla itong sumabog, dahilan ng pagkaputol ng isa niyang kamay, at 2 kamay ng kanyang anak na si Mark Terrence Siruno, 13.
Nagpapagaling ang mag-ama sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Nitong nakalipas na mga araw matapos ang pagbaha ay unang may natagpuang vintage bomb sa Tuguerao City, sumunod sa Gattaran, at itong sa Sta. Teresita.
(Rey Velasco)