Advertisers

Advertisers

Binata nanaksak ng titser, nakuhanan ng P1M shabu

0 229

Advertisers

Arestado ang isang binata na nanaksak ng guro at nakuhanan ng droga sa Cagayan de Oro.
Kinilala ang inaresto na si Elpedio Paje, 19, at residente Phase 1, Calaanan, Brgy. Canitoan, Cagayan de Oro.
Sa ulat, nakuha kay Paje ang nasa P816,000 halaga ng shabu.
Sinabi ni Lumbia Police Station commander Major Aldren Baculio na umaabot sa tatlong buwan ang kanilang pagmamanman sa target bago naging matagumpay ang kanilang operasyon.
Ayon kay Major Baculio, ang kanilang nahuli ay itinuturong responsable sa pananaksak sa isang guro noong 15-anyos pa lamang ito.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Paje.