Advertisers
UMAKYAT na sa kabuuang 427,797 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa habang 388,062 naman ang gumaling sa sakit at 8,333 ang binawian ng buhay.
Sa nabanggit na mga bilang, ito ay matapos madagdagan ng bagong 1,893 na kaso, 474 na gumaling at 79 pang namatay sa Covid-19.
Habang nasa 31,402 naman ang aktibong kaso na katumbas ng 93.0% kung saan karamihan ay mild at asymptomatic.
Muling nanguna ang Davao City sa mga probisnya at syudad na may naitalang mataas na kaso ngayong araw na nakapagtala ng 200 kaso.
Sinundan ito ng Negros Occidental na may naitalang 123 kaso ngayong araw.
Pasok naman sa top 5 ang Samar (Western Samar) na may 84 na kaso.
Ang Pampanga na may 60 at Quezon City sa bilang na 57 kaso.
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa, sinabi ng DEpartment of Health (DOH) na sa patuloy na pag-iingat, nakita na ang pagbagal ng Covid-19 transmission. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)