Advertisers

Advertisers

Imbestigasyon ng Senado sa pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam, suportado ni Sen. Go

0 185

Advertisers

WALANG nakikitang problema si Senator Christopher “Bong” Go sa planong imbestigasyon ng Senado kaugnay sa naging problema hinggil sa epekto ng pagpapakawala ng tubig sa Magat dam sa kasagsagan ng bagyong Ullyses.

Sinabi ni Go na in aid of legislation ay bahagi ng trabaho nilang mga mambabatas na imbestigahan ang nangyari.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Go na handa siyang makiisa sa senate investigation para mabigyan ng solusyon ang mga naging problema bagama’t nauna nang nagpaliwanag ang National Irrigation Administration.



Binigyang-diin ni Go na kailangan lamang na well-coordinated ang pagri-release ng tubig ng dam sa mga maaapektuhang local government units para makapaghanda at kung kinakailangang mailikas ang mga residente ay maisasagawa muna ito.

Dagdag ni Go na dapat tantyado hanggang saan ang extent ng epekto ng pakakawala ng tubig sa mga komunidad na maaapektuhan. (Mylene Alfonso)