Advertisers
Nadakip ang lalaking guro na sinampahan ng mga kasong pang-aabuso at pangmomolestiya sa mga menor de edad niyang estudyanteng lalaki noong 2018 matapos magtago nang dalawang taon.
Kinilala ang suspek na si Marvin Apostol, 28-anyos.
Sa ulat, naaresto si Apostol ng mga tauhan ng PNP-CIDG-Bulacan.
Nahaharap si Apostol sa 13 counts of rape at seven counts ng act of lasciviousness.
Batay sa reklamo ng mga magulang ng mga bata, sinabi ni Police Major Leandro Gutierrez, hepe ng Bulacan-CIDG, na ipinapatawag umano ng suspek ang kaniyang bahay ang mga estudyante para turuan at bibigyan daw ng mataas na grado.
Matapos makasuhan, sinibak sa paaralan si Apostol at mula noon nagtago na ito.
Ang mga magulang ng mga biktima, inakalang hindi na mahuhuli ang suspek.
Nagmakaawa naman at umiyak si Apostol sa harap ng mga magulang ng mga biktima para patawarin siya.