Advertisers

Advertisers

Universal access ng mga estudyante sa laptop at internet itinutulak sa Senado

0 295

Advertisers

ISINUSULONG ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagkakaroon ng universal access ng mga estudyante sa mga laptop at internet.
Sinabi ni Gatchalian na gumagawa sila ng panukalang batas ngayon kung saan ay ituturing ang access ng learners sa internet at laptop bilang basic necessity, katulad ng access sa kuryente at tubig.
“I think there’s no question that they (learners) should have a laptop and access to the internet now. Not 10 years from now, not 15 years from now, but now,” wika ni Gatchalian, chairman ng Senate basic education committee.
“We’re trying to formulate a law wherein we will give every child, every learner a laptop and an access to the internet, much like access to electricity and water,” sabi pa ni Gatchalian.
Aminado ang senador na hindi magiging madali ang gastos sa laptop at internet.
Pero sinabi ni Gatchalian na bahagi ito ng mga pangangailangan ng learners na kailangan nang matugunan.
Nabatid na umaasa ang mga estudyante ngayon sa distance learning dahil sa pagbabawal ng gobyerno sa face-to-face learning dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Dahil dito, nagpatupad ang DepEd ng blended learning kung saan maaaring makapag-aral ang mga learners sa pamamagitan ng pagsagot sa learning modules, o sa pamamagitan ng pag-attend sa online classes.
Gayunman, nananatiling hamon para sa DepEd ang sitwasyon ng mga mahihirap na walang gadgets dahil sa kawalan ng kakayahan ng maraming magulang na ituro ang leksyon ng mga estudyante. (Mylene Alfonso)