Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NOONG ianunsyo na si Sanya Lopez ang papalit sa role na tinanggihan ni Marian Rivera sa GMA-7 teleseryeng First Yaya, marami ang nagtaas ng kilay.
May ilan ding kumuwestiyon sa kakayahan ng actress dahil hindi raw nito ka-level si Marian.
Para naman kay Sanya, expected na niyang maba-bash siya dahil inasahan na maikukumpara siya sa misis ni Dingdong Dantes.
Gayunpaman, nagpapasalamat siya na sa kanya napunta ang nasabing dream role.
Dedma na muna raw siya sa bashers dahil ang mahalaga ay siya ang naging final choice sa naturang proyekto.
Speaking of Sanya, aminado siya na first time para sa kanya ang maging title roler sa teleserye.
Unang pagkakataon din ito na mas matanda ang leading man niya sa isang TV series.
Sey pa niya noon, NBSB or No Boyfriend Since Birth daw siya pero hindi naman niya ikinaila na may first kiss na siya.
Say ni Sanya, si Rocco Nacino ang unang aktor na nakahalikan niya.
“Sa ‘Encantadia’ ‘yun, ka-partner ko si Rocco. Sa characters nila, e, sobrang love nila ang isa’t isa to the point na talagang sabi ni direk, ‘Okey, i-kiss niyo na ‘yan.’
“Grabe ‘yung kabog ng dibdib ko kasi kinabahan talaga ako that time,” ani Sanya.
Si Derrick Monasterio raw naman ang unang big screen partner niyang naging kaibigan sa pelikulang “Wild and Free.”
Nang malaman niyang si Gabby Concepcion ang magiging leading man niya sa First Yaya, ni-research daw talaga niya ang filmography nito.
Kinilig din daw siya nang mapanood ang ilang pelikula ng aktor at ng ex-wife nitong Megastar na si Sharon Cuneta.
Ngayon daw, excited na siyang madonselya kay Gabby pagdating sa akting.
Aniya, alam niyang marami siyang matututunan sa senior actor na sa kabila ng edad ay hindi pa rin nare-relegate sa supporting roles.