Kabaitan Kitang-Kita… Alex Gonzaga Ipinagluto Ang Mga Gumagawa Ng Bahay Nila Ni Mikee; Ashley Ortega Bagay Maging Endorser Ng Luxe Slim
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
SA isang episode ng vlog ni Alex Gonzaga titled “New House Update” na mapapanood sa kanyang Youtube channel na may mahigit 14 million subscribers and still counting, ipinagluto ng meryenda ni Alex ang mga construction worker na gumagawa ng mansyon nila ng mister na si Mikee Morada sa may bandang Alabang. Tawag ni Alex sa kanila my beloved construction workers na itinuturing nang pamilya ng sikat na actress-comedienne and top vlogger ng bansa. At maliban sa pinagsaluhang masarap na merienda ay join pa ni Alex sa kanyang Tiktok ang mga tao nilang ito na binigyan pa niya ng tig 1K each.
Sa nasabing episode pa rin na humamig na ng 2.7 million views in just 2 weeks ay kitang-kita ang kabaitan ni Alex na may pagmamahal at care talaga sa maliliit na manggagawa. Kaya Manang Cristy at Wendell bungal kuryente kayo sa ibinabalita niyo tungkol kay Alex. Kayo yung mga masasamang nilalang!
Sa kanyang beloved parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy pala ipinagkatiwala ni Alex ang pagpapagawa ng mala-palasyo nilang bahay ni Mikee na tumatakbong Vice Mayor ng Lipa sa team ni Vilma Santos. Infairness, palakas nang palakas sa survey ang pangalan ni Mikee. Syempre dahil sa subok na ang tapat at maayos na serbisyo nito sa mga Batangueño at Lipeños at suporta ng misis na si Alex na madalas siyang samahan sa kanyang mga kampanya.
***
PRETTY, sexy and freshness itong Kapuso actress na si Ashley Ortega, kaya’t bagay talaga siyang mag-endorso ng beauty and wellness products. At presto after maging first evictee sa PBB Celebrity collab edition ay kinuha si Ashley bilang newest endorser ng Luxe Slim na isa sa pinakamabentang produkto ng Beauty and Wellness Ventures Corporation ni Ma’am Anna Magkawas na founder at CEO ng said company.
At last Thursday (April 24) ay ipinakilala na si Ashley sa entertainment press and bloggers bilang bagong endorser nga ng Luxe Slim. Ginanap ang kanyang contract signing and intimate mediacon sa sosyaling Privon Bistro Lounge sa Quezon City. Infairness, my fans si Ashley sa loob ng venue na may bitbit pang banner niya. Present sa nasabing contract signing ni Ashley ang ilan sa mga executive ng Sparkle GMA Artist Center na sina First Vice President for Talent Development and Management Joy Marcelo, Senior Talent Manager Junalyn Navarro, Assistance Vice President for Talent Sales, Branding, and Marketing Anne Puno-Ignacio, Senior Manager for Sales Renze Banawa and Albert Cruz na Senior Account Executive. Masayang nakipag-chikahan si Ashley with Ma’am Anna sa Press. Nakuwento ni Ashley na dahil matagal na siya sa showbiz ay may tumatawag sa kanyang starlet. Kinontra namin ito dahil para sa amin isa siyang mahusay na actress . Aside from that she is real beautiful, brainy and sexy. Yes, ang ganda ng aura ng actress sa kanyang contract signing na nagbiro pa nang, “AKO UNANG LUMABAS NG BAHAY PERO AKO UNANG NAGKA-ENDORSEMENT.” which is true naman. Masaya si Ashley at sinabi nito na kung gaano kahalaga sa kanya ang endorsement niyang ito sa Luxe Slim after ng kanyang reality show journey.
“I’ve always believed in taking care of my body and my well-being-not for anyone else, but for myself. That’s why I’m honored to be the newest face of Luxe Slim. This brand aligns with what I personally stand for: confidence, strenght, and self-love.”
And for Anna Magkawas, she is really excited sa collab nila ni Ashley at malaki ang tiwala niya rito. ” Ashley represents the kind of beauty that comes from within-grounded, strong, and inspiring. We are proud to have her as part of LUXE SLIM. She’s not just an endorser; she’s a symbol of what our brand is all about.”
In all infairness to Luxe Beauty and Wellness ni Ma’am.Anna ay naglalakihang mga artista like Marian Rivera, Ruffa Gutierrez, Vice Ganda, etc ang kaniyang mga endorsers and now may Ashley Ortega naman siya na may pangalan na rin sa showbiz world.
Samantala, ipinatikim pala sa press ang bagong flavor ng Luxe Slim Beauty Juice na Avocado na nagustuhan naming lahat at 450 pesos lang ito per Pack na may lamang 8 Sachets at Box of 10 Sachets. Ilan pa sa mga flavor ng kanilang Luxe Slim Beauty Juice ay Melon, Cucumber and Dalandan, Four Seasons at iba pa.