Advertisers
BINULSA ni James De Los Santos ang kanyang ika-24th international gold medal matapos pagharian ang Individual Male Seniors Division ng 5th SportData eTournament World Series nitong Sabado.
Dinaig ni De Los Santos, 30, si Matias Moreno ng Switzerland 24.9- 23.7, sa final, habang hawak ang anim na international gold medals sa buwan ng November.
Ang panalo sa 5th SportData eTournament World Series ay apat na doble kesa regular tournaments.
Kaya, ang world No.1 De Los Santos ay pinalawak ang agwat mula sa opposition.
“I’m widening the gap even further in the eKata world rankings since this e-tournament is nearly 4 times the amount of ranking points. Forward is the only way to go!” nakasulat sa Facebook ni Delos Santos Sabado ng gabi.
Sa ngayon si De Los Santos ay may 11,920 points, habang si Eduardo Garcia ng Portugal ay second na may 8,740 points.
No. 3 si Moreno na may 5,775 points.