Advertisers

Advertisers

DOH: Tuloy ang Pasko pero group parties ‘di hinihikayat

0 227

Advertisers

Tuloy ang Pasko!
Ito ay ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire at ng mga miyembro ng Health Professional Alliance Against Covid-19 (HPAAC).
Pero, may kaakibat itong pag-iingat, responsibilidad at pananagutan.
Paliwanag ni Vergeire, hindi mapipigilan ang pagdiriwang ng Pasko kung saan nagsasama-sama ang magpapamilya at magkakaibigan ngunit dapat ding aniyang isipin ng mga kababayan na hanggat maiiwasan ang malaking selebrasyon ay sa loob ng bahay na lamang mag-celebrate.
Paalala pa ni Vergeire, dalawang linggo ang incubation period ng Covid-19 kaya kapag nahawa o nakahawa ay hindi agad malalaman.
Sinabi naman ni Dr. Winlove Mojica na bagama’t tuloy ang Pasko ngunit hindi nangangahulugan na pinapayagan na ang mga parties.
Aniya, hindi nila hinihikayat na mag-party. Ang sinasabi lamang aniya ng DOH at HPAAC ay kung sakaling magkita-kita ang pamilya lalo na sa Pasko ay maari namang magsama-sama ngunit may sense of control. (Jocelyn Domenden)