Advertisers
PATAY ang 70-anyos na lolo nang pagbabarilin ng pamangkin matapos habang nag-iinuman sa RT Lim, Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang biktima na si Amado Naranjo Cahilig, 70, ng Purok Lapu-Lapu, Barangay Tupilac, RT Lim.
Samantala, tumakas ang salarin na kinilalang si Ruel Antiampo Cahilig, 28, ng nasabi ring lugar.
Ayon sa report, 11:35 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Brgy. Tupilac.
Una rito, nag-iinuman ang magtiyuhin nang biglang magtalo. Umuwi sa kanyang bahay ang pamangkin pero bumalik at may bitbit nang baril at pinagbabaril ang tiyuhin at kaagad tumakas.
Patuloy ang isinagawang paghaharap sa salarin. (Mark Obleada)