Advertisers

Advertisers

BGY. CHAIRMAN SA MAYNILA NABIDYUHAN ‘NANGINGIKIL’ SA SAP BENEFICIARIES

0 324

Advertisers

ISANG barangay chairman sa Maynila ang nabidyuhan na sapilitang humingi ng isang libong piso (P1,000) sa bawat beneficiary ng Social Amelioration Program (SAP) sa kanyang barangay.
Nabatid ng Police Files Tonite na noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 26, nakatanggap ng P16,000 na pay out ang SAP benericiaries sa Barangay 261 sa Tondo, Manila. Ang tserman dito ay si Augusto “Jojo” Salangsang.
Ang naturang beneficiaries ay kasama sa “wait list” na isinumite ng barangay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa source na may kuha ng video, ipinatawag sila mismo ni Chairman Salangsang sa barangay hall upang kunin ang isang libong piso (P1,000) na umano’y napagkasunduang ibigay sa barangay dahil ibibigay umano ito na “pamasko” sa isang “Mam Julie” at “Ate Jam” ng Manila Department Social Welfare (MDSW) District 2.
Ayon pa sa nagrereklamo, sinabi ni Salangsang na ang P1,000 ay ibibigay sa MDSW dahil binigyang importansya ang kanilang barangay kaya nakakuha ng SAP.
Bukod dito, may ilang SAP beneficiaries mula sa ibang lugar ang isinali sa listahan ng barangay kahit hindi sila residente ng Brgy. 261, subalit kalahati umano ng P16,000 ang parte ng chairman.
Nagbanta pa umano si Chairman Salangsang na ang sinumang hindi magbibigay ng isang libo (P1,000) ay tatablahin niya at hindi na makatatanggap ng anumang ayuda sa barangay.
Ang lahat ng detalyeng ito ay narinig sa video na sekretong kuha ng isa sa mga kinunan ng P1,000 ni Chairman Salangsang.