Advertisers
NAGIMBAL ang lahat nang pagtatagain ng sariling anak ang kanyang ama na isang barangay kagawad sa Barangay New Leon, Aleosan, Cotabato nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Cecilio Campoid Cachero, 54; samantalang ang anak na salarin ay si Charlie Cabinan Cachero, 27, kapwa residente ng Purok Kuyugan, Barangay New Leon.
Nabatid na naghahanda ng pagkain sa kusina ang matandang Cachero nang dumating ang anak na lango sa alak at bigla nalang pinagta-taga ang kanyang ama.
Nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng kanyang noo ang biktima.
Agad namang sumuko ang salarin na nakapiit na ngayon sa custodial facility ng Aleosan PNP
Tinitingnang personal na alitan sa pagitan ng mag-ama ang motibo ng krimen.