Advertisers
BULACAN – Nasa ‘hot water’ ngayon ang isang gobernador sa Central Luzon matapos mabuking na “absent” ito sa kanyang lalawigan nang manalasa ang malakas na bagyong Ulysses, kungsaan lumubog sa baha ang probinsiya.
Ayon sa source ng Police Files TONITE, si Bulacan Governor Daniel Fernando sampu ng ilang opisyal ng lalawigan ay “nagsasaya” sa Highland Bali Villas, Resort and Spa sa Pantabangan, Nueva Ecija noong Nobyembre 11 na kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses, kungsaan signal number 3 ang Bulacan.
Ayon sa isang retired judge kungsaan ang kanyang pamilya ay naka-checked-in sa resort noong Nob. 9, ang grupo ni Gov. Fernando na hindi bababa sa 50 katao ay inakupa ang lahat ng luxury villas sa resort hotel na ang kuwarto para sa 2 gabi ay nagkakahalaga ng mula P15,000 (delux suit para sa 2) hanggang P39,000 (presidential suite).
Sinabi ng retired judge sa isang beteranong Bulacan mediamen na hindi siya maari magkamali na si Gov. Fernando ang kanyang nakita sa poolside dahil pamilyar sa kanya ang mukha nito.
“The resort’s parking lot was full. I think they were there for a conference. But whatever it was, the governor should have returned to his constituents mid-day of Nov. 11 when the weather at the resort was starting to be windy and rainy,” sabi ng retired judge na ayaw pabanggit ng pangalan.
Linggo ng Nob. 8 nang mag-anunsyo ang PAGASA sa publiko tungkol sa low pressure area na kalaunan ay naging super typhoon Ulysses.Kinabukasan, Lunes, bandang 11 ng umaga ay ipinahayag ng PAGASA na ang bagyong Ulysses ay ganap nang tropical cyclone at mararamdaman sa sunod na 24 oras.
Pero, napag-alaman na ang Bulacan officials, karamihan ay departments, ay nagdadatingan palang sa Highland Bali Villas umaga ng Nov. 10 para sa kanilang “two-day conference”.
Sa kabila ng matinding babala ng PAGASA tungkol sa parating na super typhoon, nanatili ang mga naturang opisyal sa Pangasinan dahil nanghihinayang daw ang mga ito sa ibinayad ng provincial govt. sa akomodasyon sa resort hotel kung kaagad silang babalik sa Bulacan.
Hindi ito ang una na ang Bulacan governor ay nasangkot sa iskandalo ng kawalang-kabuluhan. Noong Mayo 8, habang nasa kasagsagan ng covid-19 pandemic at ang buong Luzon ay naka-lockdown (Enhanced Community Quarantine), ang tatlong convoy ng SUV ni Gov. Fernando ay naharang sa Tipo gate ng Subic Bay Freeport Zone sa Bataan. Hindi sila pinapasok ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Admistrator Atty. Wilma Eisma dahil sa banta ng covid, kahit na ang alibi ng convoy ay may dala silang relief goods. Pero nang usisain ng mga guardia ang mga sasakyan, wala namang relief goods kundi mga naggagandahang babae ang sakay at papunta ang mga ito sa private resort ni Gov. Fernando sa Brgy. Nagbalayong, Morong, Bataan para sa advance celebration ng kanyang May 12 birthday.
Napag-alaman ng Police Files TONITE na sa mahigit 40 department heads na sumama sa trip, tanging si Liz Mungcal, ang hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), ang agad na bumalik Malolos para ihanda ang kanyang mga tao sa pag-landfall ng bagyo noong Nov. 11.
Ang Bulacan entourage ay gumastos umano ng P1.2 million para sa two-nights conference sa kasagsagan ng typhoon Ulysses na nagpalubog sa mga bayan ng Calumpit, Hagonoy, Malolos, Pandi, Paombong, Plaridel, Pulilan, Bustos, Marilao, Sta. Maria, Meycauayan, Bulakan, Baliuag at Obando.