Advertisers

Advertisers

Grupo ng sindikato ng pekeng gold sa Isabela may financier – CIDG

0 306

Advertisers

NANINIWALA ang Criminal Investigation and Detection Group sa Santiago City na may financier ang pitong lalaki na nadakip sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng mga pekeng palladium at gold bars sa Isabela.
Ayon sa CIDG, ang grupo ni Rico Callueng, lider ng sindikato, at anim pang kasama ay nambibiktima ng mayayamang negosyante na may interes sa mga alahas at treasure.
Sinabi ni Police Capt. Rommic Subia ng CIDG Santiago City, naglipana ang mga kahalintulad na modus sa lalawigan ng Isabela, Cagayan at Cordillera Administrative Region.
Isa sa nabiktima ng grupo ay si Engineer Felido Bautista na binentahan ng palladium na nagkakahalagang P10 milyon.
Nang malaman ng biktima peke ang nabiling palladium ay kaagad siyang nagpatulong sa CIDG.
Ayon sa biktima, nakatatanggap din siya ng pagbabanta mula sa mga miyembro ng sindikato.
Inaalam na ng CIDG kung gaano na katagal ang operasyon ng grupo at ang posibleng kinalaman sa mga nauna nang kahalintulad na modus sa lalawigan.
Hinikayat ng CIDG Santiago ang mga posibleng naging biktima ng grupo na agad makipag-ugnayan sa kanilang himpilan.